^

Bansa

Smartmatic supplier din ng urna

-

MANILA, Philippines - Ang Smartmatic-TIM na ang pinal na magsusuplay sa Commission on Election ng mga urna para sa halalan sa Mayo 10.

Lumagda kahapon sa hiwalay na kontrata ang Comelec at Smartmatic-TIM para sa pagsu-supply ng 77,000 ballot boxes na nagkakahalaga ng mahigit 243 milyong piso kung saan sisimulan ng huli ang produksiyon nito sa kalagitnaan ng buwan ng Marso at inaasahang matatapos sa katapusan ng Abril.

Sinabi ni Smartma­tic-Asia President Cesar Flores na hindi pa man nilalagdaan ang kontrata ay inuumpisahan na nilang bumili ng mga materyales na gagamitin sa paggawa ng mga urna kung saan gagamit ang nasabing kompanya ng thermoplastic polymer material Polypropylene para dito.

Sa araw ng halalan, ang mga ballot boxes ay ilalagay sa ilalim ng mga precinct count optical scan machines.

Inamin naman ni Co­melec Chairman Jose Melo na hindi na dumaan sa bidding ang pagpili kung kanino i-aaward ang kontrata dahil mas praktikal aniya kung sa Smartmatic ipagkakatiwala ang pagpapagawa ng mga ballot boxes para iisang supplier lang ang responsible dito.

Unang iginawad sa Smartmatic-TIM ang P7.2-billion contract para sa produksyon ng 82,200 na PCOS machines na gagamitin sa 2010 automated elections. (Gemma Amargo-Garcia)

ABRIL

ANG SMARTMATIC

ASIA PRESIDENT CESAR FLORES

CHAIRMAN JOSE MELO

COMELEC

GEMMA AMARGO-GARCIA

INAMIN

SMARTMATIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with