^

Bansa

2 Pinay nakalusot sa bitay, umuwi na

-

MANILA, Philippines - Nakauwi na kahapon sa Pilipinas ang dalawang Pinay na nakaligtas sa parusang bitay matapos na mabigyan ng commutation at pardon ni King Abdullah ng Kingdom of Saudi Arabia.

Ayon kay Consul General Ezzedin Tago ng Philippine Consulate sa Jed­dah, kinilala ang dalawang OFW na sina Idan Tejano, tubong Batangas at Mar­janna Sakilan (may pa­ngalan ding Noraisa Talib Mabanding), tubong Jolo, Sulu na kapwa hinatulan ng ‘death by hanging’ ng Jeddah General Shari’ah Court noong Mayo 2004 matapos mapatay ang em­ployer ni Tejano na isang buntis noong Mayo 21, 2001.

Labis naman ang pa­sa­salamat ng dalawa kay Pangulong Arroyo, Kon­sulado at sa mga taong tumulong sa kani­lang ka­layaan maging ang Hari ng Saudi na nagbigay sa kanila ng commutation at pardon.

Base sa rekord, ha­bang wala ang lalaking amo ni Tejano ay dinala ng huli ang kaibigang si Sakilan sa apartment ng amo at dito nila pinatay ang among babae na kasalu­kuyan noong nagdada­lang-tao saka tinangay ang mga alahas nito. Nakita sa medical findings na nag­tamo rin ng maraming saksak ang batang nasa sinapupunan ng babae.

Ang dalawa ay pina­tawad ng Saudi King ma­ tapos ang letter of appeal ng Pangulo noong Set­­yembre 23, 2009. (Ellen Fernando)

CONSUL GENERAL EZZEDIN TAGO

ELLEN FERNANDO

IDAN TEJANO

JEDDAH GENERAL SHARI

KING ABDULLAH

KINGDOM OF SAUDI ARABIA

NORAISA TALIB MABANDING

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE CONSULATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with