^

Bansa

Unang batch ng Pinoy sa Haiti dumating na

-

MANILA, Philippines - Dumating na kahapon sa bansa ang unang batch ng mga Fili­pino mula sa Haiti kung saan sinalubong ang mga ito ng mga kawani ng Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Admnistration sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang unang batch na kinabibilangan ng anim na Pinoy ay lumapag sakay ng Philippine Airlines galing Los Angeles dakong alas-5:50 ng umaga. Darating naman ngayong umaga ang 18 pa habang ang natitira pang 40 ay inaasahang ililikas sa susunod na linggo.

Inilikas ang mga nasabing bilang ng Pinoy mula sa Haiti noong Enero 26 at dinala ang mga ito sa Santo Domingo, Dominican Republic.

Tiniyak naman ng DFA na mabibigyan ng tulong ang mga umuwing mga Filipino tulad na pagbibigay ng pamasahe sa mga ito pauwi sa kanilang probinsiya at pagbibigay ng livelihood assistance.

Bibigyan din ang mga ito ng tulong medikal para makalimutan ang trauma ng lindol na naranasan sa naturang bansa.

Samantala, nagpadala na ng medical team at nagbigay ang gobyerno ng US$50,000 bilang humanitarian assistance sa Haiti. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOMINICAN REPUBLIC

LOS ANGELES

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMNISTRATION

PHILIPPINE AIRLINES

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with