Catanduanes niyanig ng 6.0 lindol
January 29, 2010 | 12:00am
MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.0 magnitude na lindol ang Virac, Catanduanes kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Phivolcs, ang lindol ay naganap dakong 2:49 ng madaling araw kahapon at naitala sa may 156 kilometro silangan ng Virac at tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Bunsod nito, naramdaman ang lindol sa intensity 3 sa Virac, Catanduanes,Naga City habang intensity 2 sa Legaspi City, Cabi-an, Sorsogon, Guinayangan, Quezon.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lugar. (Angie dela Cruz)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest