Davao City, Philippines – Tiniyak ng mga lider sa lalawigan ng Davao del Norte, Davao Oriental at Compostela Valley na si Lakas – Kampi–CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr., ang susuportahan ng mga Davaoenos sa darating na presidential election.
Ayon kay Davao Del Norte Rep. Antonio Lagdameo, malaki ang paniniwala ng mga Davaoenos na si Teodoro ang may kakayahan at talino upang pangunahan ang bansa para mapaunlad ito.
“Secretary Teodoro has proven his mettle to us during his tenure as defense chief. He worked hard to maintain peace and stability while indirectly ensuring that economic growth and development would come to our province,” paliwanag pa ni Lagdameo.
Aniya, isusulong ni Teodoro ang pagpapatayo ng maraming imprastraktura at malaking pondo upang mapaunlad ang mga rural areas sa bansa gaya ng Davao del Norte, Davao Oriental at Compostela Valley, kaya naman buo ang suporta ng mga ito kay Teodoro at titiyakin ang panalo nito sa election. (Rudy Andal)