Mobile passporting sa anib. ng Caloocan
MANILA, Philippines - Patuloy ang pagbibigay ng makabuluhang serbisyo ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga residente matapos na muling magkaroon ng mobile passporting na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 48th Foundation Anniversary ng nasabing lungsod.
Dinagsa ng mga residenteng kukuha ng kanilang mga pasaporte ang ginanap na mobile passporting sa Caloocan City Hall North na matatagpuan sa Zapote Road, Camarin II, Caloocan City noong Sabado (January 23).
Laking pasalamat ng mga nakakuha ng passport kay Echiverri dahil hindi na kailangang magtungo ng mga ito sa tanggapan ng Department of Foreign Affair (DFA) sa Pasay City para lamang maiayos ang kanilang pasaporte.
Bukod dito, malaki rin ang nabawas sa gastusin ng mga kumuha ng passport dahil inilapit na ni Echiverri ang kanilang kukuhanan ng pasaporte na isa sa pangunahing kailangan para makapunta at makapagtrabaho sa ibang bansa.
- Latest
- Trending