Bicol niyanig ng lindol

MANILA, Philippines - Isang magnitude 5.3 lindol ang naramdaman sa Bicol region kahapon ng alas-10:02 ng umaga.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs) Director Renato Solidum Jr. ang pagyanig ay nangyari sa ilalim ng dagat may 148 kilometro sa Catanduanes dahil sa paggalaw ng Philippine Trench at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naram­daman ang lindol sa lakas na intensity 4 sa Legaspi City, gayundin sa bayan ng Camalig at Bacacay sa Albay.

Naramdaman naman ito sa Intensity 3 sa mga bayan ng Viga at Virac, Catanduanes.

Wala namang napa­ulat na naapektuhan ang lindol sa mga tao at mga ari-arian. (Angie dela Cruz)

Show comments