2 OFW sa Saudi nakakuha ng pardon

MANILA, Philippines - Naisalba sa tiyak na kamatayan ang dalawang overseas Filipino workers na nasa death row sa Saudi matapos na maka­kuha ng pardon mula sa Saudi King.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo sa isang pulong balitaan, laya na at pino­proseso na ang repatriation o pagpapauwi kina Edan Tejano at Marjanna Sakilan, pawang nahatu­lan ng bitay sa Saudi kasu­nod ng ibinigay na commutation.

May 400 pang mang­ga­gawang Pinoy na kasa­lukuyang nasa iba’t ibang kulungan sa Saudi ang nakasalang sa mabibigyan ng pardon. (Ellen Fernando)

Show comments