^

Bansa

Jobless Pinoy dumami pa - NSO

-

MANILA, Philippines - Lumubha pa ang mga Pinoy na walang trabaho sa ngayon dahil umabot na ito ngayon sa 7.5 percent.

Noong 2009, umaabot sa 2.8 milyong Pinoy ang walang trabaho at nadag­dagan pa ito ngayon.

Sa ulat ng National Statistics Office (NSO), sa mga walang trabaho, mas ma­ dami ang lalaki na uma­abot sa 1.7 million  at ang mga babaeng walang tra­baho ay umaabot sa 1.1 million na marami ay mga high school graduate lamang.

Noong 2008 umaabot sa 7.4 percent ang jobless rate sa Pinas.

Sinasabing ang pagka­karoon ng mga kalamidad at hindi pa nakakabangong ekonomiya ng bansa ang ugat ng pagdami ng walang trabaho sa Pilipinas.

Sa labor survey na­man, umaabot sa 19.1 percent ang underemployment rate noong 2009 at 19.3 percent noong  2008 o umaabot sa 6.7 million Pinoy na marami dito ay mula sa Bicol at Central Luzon.

Ang mga employed na tao na nais ng bagong trabaho na may mahabang oras na trabaho ay kasama sa mga underemployed.

Kalahati ng 35 milyong manggagawang Pinoy ay nagtatrabaho sa wholesale at retail trade, pagre-repair ng mga sasakyan, motor­siklo at iba pang household goods. Ang 35 percent na­man ay nagsasaka at ang iba ay sa pabrika.

Taya ng NSO, ang Pili­pinas ay kakain pa ng 2 taon para umunlad uli ang pamumuhay ng mga Pinoy. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BICOL

CENTRAL LUZON

CRUZ

KALAHATI

NATIONAL STATISTICS OFFICE

NOONG

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with