^

Bansa

Pinay bibitayin!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng korte sa Kuwait ang parusang bitay laban sa isang OFW dahil sa kasong murder.

Ang Pinay domestic helper na si Jakatia Pawa, 34, tubong Zamboanga Sibugay ay nakatakdang bitayin sa pamamagitan ng pagbigti ng Kuwaiti Court of Cassation matapos na patayin umano nito ang 22-anyos na anak na babae ng employer nito na kan­yang pinaglilingkuran sa loob ng limang taon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakiki­pag-ugnayan na ang gob­yerno sa Kuwaiti government at sa pamilya ng bik­tima para makakuha ng “Tanazul” o pagpapa­tawad para ma­isalba ang buhay ni Pawa mula sa bitay.

Dahil dito, nakatak­dang magtungo si Vice President Noli De Castro sa Kuwaiti dala ang liham ni Pangu­long Gloria Arroyo para kay Kuwaiti Emir Sheikh Sa­bah, Al-Ahmad Al-Sabah para mabigyan ng commutation o mapa­baba ang sen­tensiya ni Pawa.

Dismayado naman si Philippine Ambassador to Kuwait Ricardo Endaya sa naging desisyon ng Kuwaiti court laban kay Pawa dahil wala naman solidong ebi­densiya na magdidiin dito.

AL-AHMAD AL-SABAH

ANG PINAY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GLORIA ARROYO

JAKATIA PAWA

KUWAIT RICARDO ENDAYA

KUWAITI

KUWAITI COURT OF CASSATION

PAWA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with