Takeover ng Class '78 pinangangambahan ni Chiz

MANILA, Philippines - Naalarma si Senador Francis “Chiz” Escu­dero sa posibleng paghirang kay Army Chief Lt. Gen. Delfin Bangit bilang bagong Armed Forces Chief of Staff bago idaos ang eleksiyon.

Si Bangit ang sinasabing kapalit ni Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Victor Ibrado na magreretiro sa edad na 56 anyos sa Marso 19.

Marami ang humihiling ng term extension para kay Ibrado dahil sinasabing baka gamitin ni Pangulong Arroyo ang Class 78 upang manatili sa puwesto.

“Umuulan ng graft and corruption allegations ang administrasyon ni Gng. Arroyo so hindi maitatatwa na hahanap siya ng mga kaalyado para protektahan siya to advance her interests,” dagdag niya.

Noong isang taon, lumutang ang tinatawag na “August Moon,” isang plano ng ilang miyembro ng Class ‘78 upang pa­ikliin ang termino ni Ibrado at PNP Chief Director General Jesus A. Verzosa. (Malou Escudero)

Show comments