^

Bansa

Loren rumatsada pa

-

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagratsada ni Senator Loren Legarda sa vice presidential surveys sa harap ng tinagurian ng Issues and Advocacy Center na pagbalewala ng madla sa sandamakmak na television at radio commercials ng katunggali niyang si Senator Mar Roxas.

Sa pinakahuling nationwide survey ng The Center: Pulso ng Pilipino noong January 5-12, muling hinatak ni Loren si Roxas sa isang statistical tie sa ipinoste nilang rating na 28% at 32%, ayon sa pagkakasunod-sunod ng banggit.

Sinabi ng The Center na, bagaman tambak ang mga tv at radio advertising commercial ni Roxas, mas natatandaan naman ng mga tao si Legarda dahil sa kanyang kampanya para matugunan ang pagbabago ng panahon o climate change at pangangalaga sa kalikasan. Ang survey ay nilahukan ng 1,200 respondents at may margin of error na plus-minus 2.8 percent.

“Kapag nababanggit ang bagyong Ondoy, Pepeng at Santi, mas natatandaan ang pangalan ni Legarda sa talakayan ng climate change,” sabi pa ng The Center.

vuukle comment

ISSUES AND ADVOCACY CENTER

KAPAG

LEGARDA

ONDOY

PATULOY

PEPENG

ROXAS

SENATOR LOREN LEGARDA

SENATOR MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with