MANILA, Philippines - Hindi pa man natatapos ang kontrobersya sa Radio Frequency Identification Device ay nasasangkot na naman ang IT provider ng Land Transportation Office na Stradcom Corporation sa panibagong isyu.
Diumano, ang Stradcom ay kasalukuyang umiikot sa buong bansa upang diretsong ikonekta ang mga Private Emission Testing Centers sa LTO-IT System ng walang anumang legal na basehan at labag sa kautusan mismo ni DOTC Undersecretary for Land Transport Anneli Lontoc.
Ayon kay Herminio “Jojo” Buerano Jr., presidente ng Coalition of Clean Air Advocates, nakakapanlumo ang aksyon na ito ng STRADCOM. Dahil dito ay muli na naman umanong makakapagsagawa ang mga tiwaling PETC ng pandaraya. (Butch Quejada)