^

Bansa

Pork ng absentee solons babawasan

-

MANILA, Philippines -  Ipinanukala kahapon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na bawasan ang pork barrel fund o priority develop­ment assistance fund ng mga senador at kongre­sista na laging absent sa session.

Pinuna ni Zubiri na laging problema ang quo­rum sa dalawang kapulu­ngan ng Kongreso dahil maraming mamba­batas ang hindi duma­dalo sa sesyon. Upang hindi anya maging prob­lema ang quorum bago ma­tapos ang sesyon ng 14th Congress, ipapanu­kala niya ang pagtapyas sa pork barrel at al­lowance ng mga mam­ba­­batas. 

Samantala, pinaba­bantayan ni Senate Mino­rity Leader Aquilino Pimen­tel Jr. ang babawa­sing pondo ng Malaca­ñang sa PDAF ng mga mamba­batas mula sa P1.51 tril­yong panuka­lang 2010 budget.      

Ayon pa kay Pimen­tel, dapat bantayan kung saan gagamitin ni Pa­ngulong Gloria Arroyo ang pondong balak kalta­sin sa pork barrel ng mga mam­ba­batas lalo pa’t nalalapit na ang elek­siyon.

Posible aniyang ma­gastos sa pangangam­pan­ya ang tatanggaling pondo sa PDAF ng mga mamba­batas. (Malou Escudero)

AYON

GLORIA ARROYO

IPINANUKALA

KONGRESO

LEADER AQUILINO PIMEN

MALOU ESCUDERO

SENATE MAJORITY LEADER JUAN MIGUEL ZUBIRI

SENATE MINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with