^

Bansa

Panaghoy sa guho!

- Nina Joy Cantos at Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Tila nabuhayan ng loob ang mga kaanak ng mga biktima ng lindol sa Haiti ma­tapos na marinig sa loob ng mga gumuhong gusali at mga kabahayan ang mga daing at panaghoy na nagbibigay pag-asa na buhay pa ang ilan sa loob nito.

Ang mga tinig mula sa gumuhong Christopher Hotel na nasa Port-Au-Prince kung saan nasa ikalawang palapag ang UN Stabilization Mission in Haiti Headquarters, ay maituturing na “proof of life” kaya umaasa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na matatagpuang buhay ang tatlong Pinoy peacekeepers nito na kinabibilangan nina Sgt. Janice Arocena ng Phil. Air Force, Sgt. Eus­tacio Bermudez ng Phil. Army at Navy Petty Officer 3 Perlie Panangui.

Bukod sa mga boses, naririnig din mula dito ang mga pagkilos kaya’t tiwala silang maililigtas ang mga biktima.

Samantala, sa report ng Philippine Permanent Mission to the United Nations sa Department of Foreign Affairs, nasagip mula sa gumuhong Carribbean Supermarket si Aurora Aguinaldo.

Habang pinaghahanap ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Feraldine Calican at Grace Fabian. Maging ang isang Jerome Yap, administrative officer ng Principal Deputy Special Representative ng UN Secretary General ay pinipilit ding mailigtas mula sa gumuhong Christopher Hotel.

Sinabi naman ng DFA na patuloy ang pag-a-­account sa mga miyembro ng Filipino community at kumpirmadong ligtas ang mga Pinoy sa Delmas 41 at Delmas 42.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Ed Malaya, huling naitala ng DFA may mahigit 600 ang Pinoy na sibilyan bukod pa sa 172 peacekeepers ang kasalukuyang nasa Haiti.

Nagsimula nang bumuhos sa Haiti ang mga tulong mula sa iba’t ibang bansa para sa rescue and relief missions dahil na rin sa panawagan ng UN. 

Samantala, maaaring mapaaga ang biyahe ng mga miyembro ng 11th peacekeeping contingent sa Haiti na binubuo ng 115 sundalo at posibleng magsilbing reinforcement sa 10th peacekeeping contingent sa oras na ipag-utos ni Pangulong Gloria Arroyo.

Matatapos ang kontrata ng 10th contingent sa Haiti sa Pebrero na papalitan ng panibagong tropa.

Nilinaw ni Brawner na dahil sa lindol, posibleng mag­tagal ang kanilang pa­nanatili sa Haiti para tumu­long sa search, rescue at re­habilitation operations dito.

AIR FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AURORA AGUINALDO

CARRIBBEAN SUPERMARKET

CHRISTOPHER HOTEL

DELMAS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with