MANILA, Philippines - Nakatakdang magsagawa ng privileged speech ang dalawang Kongresista laban kay Sen. Miriam Defensor Santiago kung sakaling hindi ito titigil sa kapapanira kay DILG Sec. Ronnie Puno.
Ang mga naturang Kongresista ay nakahandang isiwalat ang lahat ng aktibi dad na kinasasangkutan ng mag-asawang Santiago.
Anya, hindi na nakatutulong sa sambayanan ang ginagawa ng senadora sa tuwing magtatatalak ito sa senado tungkol sa galit kay Puno.
Nagmula ang alitan sa pagitan ni Santiago at Puno nang tumakbo ang una bilang pangulo ng bansa laban kay dating pangulong Fidel V. Ramos kung saan natalo si Santiago sa paniwalang si Puno ang dahilan kung bakit s’ya tinalo.
Kaugnay nito’y nananawagan ang dalawang mambabatas na huminahon si Santiago at harapin na lamang ang disqualification case na iniharap laban sa kanya upang makapangampanya ito ng maayos sa darating na eleksiyon. (Butch Quejada/Malou Escudero)