Miriam ipinetisyon ng abogado

MANILA, Philippines - Nais ipasuri ni Atty. Nombraan Pangcoga sa Commission on Election ang “mental condition” ni Senador Miriam Defensor Santiago para maging basehan upang madiskwalipika sa May 10 election.

Sa petition na inihain ni Pangcoga, dapat na alisin sa listahan ng kandidatong senador si Santiago dahil sa hindi umano pagiging matatag ng pag-iisip nito gaya ng pagkakaroon ng “delusion of grandeur” kung saan naguguluhan ito kung nais niyang maging pa­ngulo, punong mahistrado o miyembro ng international court of justice na pawang bigo niyang makuha at pagka­karoon ng “mood swing” na nagreresulta minsan ng pagsisinungaling at paranoia nito.

Naniniwala si Pangcoga, dapat ikonsidera ng Comelec ang mental condition ng isang kumakan­didato kung karapat-dapat itong magsilbi sa bayan. (Butch Quejada)

Show comments