MANILA, Philippines - Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ang status ng Mayon mula sa alert level 3 matapos kumalma ang bulkan.
Sa latest bulletin na ipinalabas ng Phivolcs kahapon ng umaga sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala na lamang ng anim (6) na volcanic quakes ang bulkan at mahinang pagyanig.
Nagbuga din ng asupre ang Mayon na umaabot na lamang sa 597 tonelada ngunit mas mababa ito kesa nitong mga nakalipas na linggo na may mahigit 1,000 tonelada.
Wala naman naitalang ash explosion sa bunganga ng bulkan sa nakalipas na magdamag.
Gayunman, mahigpit pa rin ipinagbabawal ng Phivolcs sa lahat na pumasok sa loob ng 6 kilometer radius Permanent Danger Zone at 7-kilometer Extended Danger Zone dahil sa banta pa rin ang bulkan. (Angie dela Cruz)