^

Bansa

Suplay ng tubig kakapusin sa summer

-

MANILA, Philippines - Malamang na mag­kulang sa suplay ng tubig sa panahon ng summer sa bansa sa Metro Manila kaya’t ngayon pa lamang ay kailangang magtipid na sa suplay.

Ayon sa Maynilad Waters, dahil sa pagpasok ng El Niño phenomenon sa panahon ng summer sa bansa, garantisado nang bababa ang water level sa dam na pinagmumulan ng suplay ng tubig sa Kalak­hang Maynila.

“Our monitoring of dam levels, particularly Angat, [show that it] is [at its] the lowest in six years,” pa­hayag ni Jeric T. Sevilla, spokesman ng east zone concessionaire Manila Water Company.

Ani Sevilla, nagha­handa na ang kanilang tang­gapan para sa inaasahang pag­ babago sa level ng tubig sa naturang dam.

Sa kanyang panig, inamin naman ni PAGASA weather bureau branch Nathaniel Cruz na ang level ng tubig sa naturang dam ay nasa below normal level sa ngayon.

Ani Cruz, kung walang magaganap na pag-uulan sa unang kalahating taon ng 2010, malamang na maranasan ang matinding tagtuyot na dulot na rin ng climate change.

Ayon pa sa PAGASA, may tsansa na maibsan ang epekto ng tag-tuyot kung kahit man lang isang ulan ay mararanasan ngayong buwan.

Ang matinding tagtuyot sa Capiz ay mararanasan mula Agosto hanggang Disyembre dahil sa below normal rainfall na mara­ranasan ngayong taon.

Ang bahagi naman ng kanluran, central at eastern Mindanao ay inaasahang makakaranas din ng tag­tuyot maliban na lamang sa timog bahagi ng Min­danao.

Ang mga lalawigang ma­kakaranas ng matin­ding tagtuyot ay ang Ben­guet, Bulacan, Nueva Ecija, Pam­panga, Batan­gas, Aurora, Quezon, Ma­rinduque, Mindoro, Rom­blon, Sor­sogon, Camari­nes Norte, Camarines Sur, Northern Samar, Aklan, Guimaras, Biliran, Davao del Sur, South Cotabato, Saran­gani at Sultan Kudarat.

Ayon sa Pagasa, ang Northern Samar naman ay malapit na sa tagtuyot na kundisyon dahil din sa minsan lamang na mara­ranasang ulan doon. (Angie dela Cruz)

ANI CRUZ

ANI SEVILLA

AYON

CAMARINES SUR

EL NI

JERIC T

MANILA WATER COMPANY

MAYNILAD WATERS

NORTHERN SAMAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with