MANILA, Philippines - Itinanggi ng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide ang umano’y rekomendasyon nilang isuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Universal Insurance Transport Accident Solutions Inc. na isang insurance consortium.
Ayon kay PISTON secretary general George San Mateo, hindi niya inirekomenda sa LTFRB at Insurance Commission ang suspensyon sa UNITRANS. Hinihiling lamang niya sa mga ito na tingnan ang kaso ng pagkawala ng insurance policy ng nabang git na kumpanya.
Sinabi pa ni San Mateo na nakipag-ugnayan na sa kanila ang pamunuan ng UNITRANS at tiniyak sa kanya na mababayaran ang lahat ng mga policy holders.