^

Bansa

Natimbog sa gun ban umabot sa 48

-

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 48 katao ang nahuhuling lu­mabag sa gun ban sa nagdaang unang 24 na oras na pagpapatupad nito.

Sinabi ni Philippine National Police Director for Operations Andres Caro II na kabilang sa mga na­dakip ang limang pulis, apat na sundalo, tatlong opisyal ng pamahalaan at 36 na sibilyan.

Naharang sila sa iba’t ibang checkpoints na iti­natag ng PNP, Armed For­ ces of the Philippines at Commission on Elections alinsunod sa binuong Joint Security Control Centers.

Ang gun ban o pagba­bawal sa pagbibitbit ng baril ay nagsimula noong Enero 10 ng taong ito at magtatapos sa darating na Hunyo 10, 2010.

Inihayag ng opisyal na aabot sa 988 checkpoints ang itinatag sa mga istra­tehikong lugar sa buong bansa para sa imple­men­tasyon ng gun ban sa pa­nahon ng halalan.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang 47 sari-saring mga armas na kina­bibilangan ng 22 matataas na kalibre ng baril at 28 mababang uri ng kalibre ng baril, tatlong patalim at isang granada.

Kaugnay nito, sinabi kahapon ng hepe ng law department ng Comelec na si Atty. Ferdinand Rafa­nan na hindi nila papa­yagang malibre sa gun ban ang mga mamamahayag.

Sinabi ni Rafanan na hindi naman kasama ang mga miyembro ng media sa listahan ng mga maa­aring ma-exempt sa total gun ban.

Dahil dito, pinayuhan pa ni Rafanan ang mga media groups at practitioners na sa halip na igiit na ma-exempt sila sa gun ban ay humingi na lamang ng tulong sa PNP para mabig­yan sila ng seguridad, kung sa tingin nila ay may banta sa kanilang buhay at seguridad.

Ipinaliwanag ni Rafa­nan na ang exempted la­mang sa ban ay ang mga pulis, sundalo, ahente ng National Bureau of Investigation at mga miyemrbo ng Citizens Armed Forces Geographical Unit. (Joy Cantos at Mer Layson)

ARMED FOR

BAN

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

FERDINAND RAFA

JOINT SECURITY CONTROL CENTERS

JOY CANTOS

MER LAYSON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with