^

Bansa

PASG rumesbak sa DOJ

-

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group Chief at Dangerous Drug Board Chairman Antonio Villar Jr. sa Department of Justice na unang tignan ang kanilang sarili bago mag-akusa sa PASG na mayroon itong masamang motibo laban sa suspected diamond smuggler na si Siu Ting Alpha Kwok.

Ayon kay Villar, dapat eksaminin muna ng mga government prosecutors ang kanilang sarili bago sila akusahang may motibo laban kay Alpha Kwok na idinismis ng DOJ ang isinampang smuggling case dito sa pamamagitan ng DOJ-resolution noong Nov. 19, 2009 subalit natanggap lamang ang kopya nito kahapon.

Sinabi pa ni Villar na nabulagan lamang sina State Prosecutors Pamela Lazatin-Escobar, Ro­hairah Lao-Tamano at Aldrin Evangelista nang idis­mis nila ang kaso laban kay Alpha Kwok gayung mayroong maayos na koordinasyon ang PASG sa BIR at iba pang government agencies nang kasuhan si Kwok na nakumpiskahan ng mahigit P250 milyong halaga ng diamonds at iba pang alahas. (Rudy Andal)

ALDRIN EVANGELISTA

ALPHA KWOK

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG BOARD CHAIRMAN ANTONIO VILLAR JR.

IGINIIT

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP CHIEF

RUDY ANDAL

SIU TING ALPHA KWOK

STATE PROSECUTORS PAMELA LAZATIN-ESCOBAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with