^

Bansa

12 timbog sa gun ban

- Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May 12 katao ang kauna-unahang nasam­pulan ng ipinapatupad na malawakang gun ban o pagbabawal sa pag­da­dala ng baril sa buong bansa, ayon sa Philippine National Police.

Base sa Comelec re­so­lution no. 8714, ipi­nag­­ba­­bawal ang pagda­dala ng baril, explosives at anumang nakaka­matay na sandata sa loob ng 150 araw na election period mula Enero 10, 2010 hang­gang Hunyo 9, 2010

Sa ulat na nakarating sa PNP national operations center sa Camp Crame, lumilitaw na isang PO1 Dennis Quinto ng The Regional Mobile Group ng National Capital Region Police Office ang na­dakip 30 minuto mata­pos ang pagbubu­kas ng mga checkpoint nitong Linggo sa kaha­baan ng A. Bonifacio Ave, Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City.

Ayon sa QCPD police Station 1, si Quinto ay na­kasuot ng sibilyan attire at nakasakay sa motor­siklo nang pahin­tuin sa isang checkpoint. Na­kuha sa kan­ya ang isang kalibre 45 armscor pistola ha­bang nakasuk­bit sa kan­yang bewang.

Makalipas ang ilang oras, nadakip sa isang checkpoint ang isang Rhogel Gutierrez sa may panulukan ng Con­gres­sional at Mindanao Ave­nues habang bitbit ang isang kalibre 45 pistola sakay ng motor­siklo.

Iniulat naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkakadakip sa mga gun ban violators sa magkakahiwalay na checkpoints sa Cama­nava area. Ayon sa North­­ern Police District, nadakip ang isang Eman B. Perez dahil sa pagkakalinga ng kalibre .45 armscor at Leopoldo Z. Francisco na naku­hanan naman ng .9mm barreta pistol.

Sa Manila Police District, iniulat naman na nadakip ang isang Atty. Tecson John Lim, na nakuhanan ng isang Glock cal. 40 at isang sigsauer 9mm pistol.

Sa Southern Police District, naaresto sina SPO1 William Ronquillo na nakuhanan ng 9mm Glock pistol; PO1 Aldrin Almanzar na nakuhanan ng kalibre 45 Norinco Pistol; Navy S1BM Mi­chael Bashan, kalibre 9mm norinco pistol at Juan Carlos Maglaque, na nahulihan ng auto electric airsoft AK 47 replica rifle

Sa Pasig City, nada­kip naman ng tropa ng pulisya dito si Tristam de Castro at Junas Eslao sa may Ortigas center dahil sa pagdadala ng ipinagbabawal na airsoft at replica pistols.

Sa General Santos City naman ay nadakip ng pulisya dito ang isang Rex Adulacion Baldelovar sa checkpoint kung saan nakuha naman dito ang isang kalibre 45 pistola.

ALDRIN ALMANZAR

AYON

BONIFACIO AVE

CAMP CRAME

DENNIS QUINTO

EMAN B

GLOCK

ISANG

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->