^

Bansa

2 Syrians bawal nang pumasok sa Pinas - Immigration

-

MANILA, Philippines - Pinagbawalan ni Bu­reau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan na pumasok sa bansa ang dalawang Syrians na idineklarang undesirable aliens dahil sa ‘di pagrespeto sa mga Pilipinong consul at staff sa Philippine embassy sa Egypt.

Naglabas si Libanan ng kautusan na naglalagay kina Naji Hawil Moama Naji, 34, at Al-Mohdi Is­maeel Basam, 25, sa blacklist ng BI kaya hindi na sila makakapasok pa sa Pilipinas.

Hindi na papapasukin pa ang dalawang Syrians pagtapak sa airport at pa­babalikin sa bansang pi­nanggalingan nila.

Ayon kay Atty. Norman Tansingco, BI chief of staff, nilagay sa blacklist ang mga Syrians matapos iparating ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ahensiya ang insidenteng kinasasangkutan ng da­lawa na nangyari sa Philippine embassy sa Cairo noong Oktubre.

Iniulat ni Lani Baisa, isang attaché sa embassy, na nagtungo ang dala­wang Syrians sa embassy upang mag-follow up sa kanilang visa applications at ipinabatid nito sa kanila ang pinekeng pirma sa letter of sponsorships na isinama ng dalawa sa kanilang aplikasyon.

Nang marinig ang find­ings, nagalit ang dalawang Syrians at iginiit na hindi pineke ang pirma sa sulat.

“After a few minutes, Messrs. Naji and Al-Mohdi came back to my counter, harshly threw their appli­cations forms at the counter and hurriedly left the embassy,” sabi pa ni Baisa.

Naglabas na ang DFA ng foreign service circular na nag-aatas sa lahat ng Philippine missions sa ibang bansa na ibasura ang anumang visa appli­cation mula sa dalawang Syrian nationals. (Butch Quejada)

vuukle comment

AL-MOHDI IS

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

LANI BAISA

NAGLABAS

NAJI AND AL-MOHDI

NAJI HAWIL MOAMA NAJI

NORMAN TANSINGCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with