^

Bansa

Faith healer dagsa rin

-

MANILA, Philippines - Samantala, maging ang mga faith healer ay dumagsa din sa simbahan ng Quiapo dahil sa pani­niwalang lumalakas ang kanilang kapangyarihan sa panggagamot sa tuwing Enero 9 na siyang kapis­tahan ng Itim na Nazareno.

Sa bisa umano ng da­sal at pagpapausok sa mga nagpapagamot, nag­ka­kapera ang mga faith healer sa pamamagitan ng mga donasyon. Ang ilang debotong dumating dito ay humihiling naman ng hi­mala o kaya’y nagpapasa­lamat sa milagrong na­tang­gap.

Kasabay nito, hinikayat ni Manila Archbishop Car­dinal Gaudencio Rosales ang mga deboto na tularan ang Panginoong Hesu Kristo sa pagpapakita ng tamang pamumuhay.

Sinabi ni Rosales sa kanyang misa sa Quirino Grandstand kahapon ng umaga na maaaring ma­mu­hay ng tama ang lahat ng tao kung ang susundin ang batayan ng Dios kung saan ito din ang ipinakikita sa ginawang pagbuhat ng krus at pagkakadapa ni Hesus.

Kinondena din ni Ro­sales ang mga taong walang kakuntentuhan at nagiging matakaw hindi lang sa pagkain kundi ma­ging sa pera at pagpapa­sarap sa katawan. Lara­wan din aniya si Hesus ng kababaang-loob

Aniya, dapat manatili ang pagiging mababang–loob ng isang tao sa kabila ng mga natatamo nitong tagumpay. (Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

DIOS

DORIS FRANCHE

GAUDENCIO ROSALES

HESUS

MANILA ARCHBISHOP CAR

PANGINOONG HESU KRISTO

QUIRINO GRANDSTAND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with