RFID di raw pirmado ng DOTC
MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide ang pagpapatupad ng Land Transportation Office sa Radio Frequency Identification Device gayung hindi pa naman napipirmahan ni DOTC secretary Leandro Mendoza ang naturang programa para maipatupad na ito pagpasok ng Enero 2010.
Ayon kay Goerge San Mateo, secretary general ng Piston, kahina-hinalang minamadali umano ni LTO Chief Arturo Lomibao ang implementasyon sa naturang proyekto kahit na wala pang legal papers na nilalagdaan dito si Mendoza.
Kinondena din ng Piston ang pahayag ni Lomibao na hindi ibabalik sa mga motorista ang perang naibayad sa RFID fee sakaling magpalabas ng temporary restraining order ang Supreme Court laban dito.
Idiniin ni San Mateo na walang katotohanan ang mga reports na hindi lalabag sa right to privacy ang RFID project dahil kapag nagamit na ang tagged na nakalagay sa sasakyan ay makikita dito ang OR/CR, chassis at motor number ng sasakyan kasama na ang impormasyon kung sino ang may-ari nito. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending