Bataan pauunlarin ni Teodoro

MANILA, Philippines - Naniniwala si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teo­doro Jr. na ang lalawigan ng Bataan ay magiging industrial powerhouse sa Central Luzon kasabay ang paniniguro na pauun­larin niya ito upang maging ‘lynchpin’ ng ekonomiya sa Gitnang Luzon.

Sa pagbisita kahapon ni dating Defense Secretary Teodoro at running­mate nitong si Edu Man­zano sa Bataan Peninsula State University kung saan ay mainit silang sinalubong ng may 6,000 estudyante, sinabi nitong may sapat na skilled labor, mahusay na local leadership at eduka­dong youth sector ang Bataan na pangunahing sangkap ng modernong industriya para lalong maging progresibo ang ekonomiya ng lalawigan.

Aniya, sa sandaling manalo ito sa 2010 presidential race ay isusulong niya ang karagdagang mo­dernong daan, tulay at komunikasyon para ma­ ka­tulong lalo sa pag-unlad ng lalawigan na mayroong ship-building, pagawaan ng bala at electronic industry.

Nangako naman si Ba­taan Gov. Enrique “Tet’ Garcia at iba pang provincial Lakas-Kampi-CMD leaders ng todo-suporta kina Gibo at Edu para masiguro ang panalo ng mga ito sa 2010 elections. (Rudy Andal)

Show comments