^

Bansa

3 CIDG men sibak sa 'VIP' sa Ampatuans

-

MANILA, Philippines - Pansamantalang si­­­ni­bak sa puwesto ang tatlong tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakatalaga bilang bantay ng mga Ampatuan sa Camp Fermin Lira, General Santos City ka­ugnay ng isyu ng VIP treatment sa mga akusado sa Ma­guindanao massacre.

Sa phone interview, kinumpirma ni Sr. Supt. Benito Estipona, Deputy for Operations ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagsibak kina SPO4 Alejandro Pedroso, SPO1 Emilio Militante at Sr. Inspector Teody Condeza.

Ang mga ito ang nag­sisilbing bantay ng CIDG 12 kina dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan, dating Maguindanao Vice Gov. Akhmad Ampatuan, dating Maguindanao acting Gov. Sajid Ampatuan at dating Shariff Aguak Mayor Anwar Ampatuan.

Ang isa pa na si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. ay nasa kustodya naman ng AFP-Eastern Mindanao Command sa Camp Pa­nacan, Davao City.

Si Estipona ay ipinadala sa Camp Fermin Lira ni PNP-CIDG Chief P/Director Raul Castañeda upang pangunahan at isuperbisa ang imbestigasyon sa napaulat na kontrobersyal na VIP treatment sa mga Ampatuan.

Ayon sa opisyal, nag­paliwanag umano sa ka­nilang imbestigasyon ang mga guwardiya na may request ang mga abugado ng Ampatuan na palabasin sa selda sina Zaldy Ampatuan at Sajid noong gabi ng Disyembre 31 habang malaya ring nakakagalaw ang iba pa sa maimpluwensyang angkan. (Joy Cantos)

AKHMAD AMPATUAN

ALEJANDRO PEDROSO

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

BENITO ESTIPONA

CAMP FERMIN LIRA

CAMP PA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with