MANILA, Philippines - Hinamon ng kampo ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. ang mga presidential aspirants na itigil ang ‘cheap publicity stunts’ sa pamamagitan ng paninira sa mga kalaban bagkus ay gampanan dapat ang kanilang tungkulin bilang tunay na public servants.
Sinabi ni Lakas-Kampi-CMD President at Saranggani Gov. Miguel Dominguez na hindi nagsamantala si Teodoro sa panahon ng pamumuno nito sa National Disaster Coordinating Council at, bagkus, ginampanan niya ang kanyang trabaho na hindi kailangan ipangalandakan sa media ang kanyang ginawang tulong sa biktima ng Ondoy at Pepeng.
Kinontra din ng kampo ni Teodoro ang pahayag ng political analyst na si Prof. Prospero de Vera dahil sa pagbatikos sa dating DND chief dahil sa hindi pagsasamantala sa pagkakataon bilang NDCC chief sa panahon ng kalamidad upang magkaroon ito ng libreng tv at media exposures.
Idinagdag pa ni Dominguez, sa halip na batikusin ni Prof. de Vera si Teodoro sa hindi pagsasamantala sa pagkakataon ng kalamidad ay dapat purihin pa nga niya ito dahil hindi ‘mapagsamantala’ si Teodoro. (Rudy Andal)