Gibo lumalakas ang suporta sa S. Tagalog at Iloilo

MANILA, Philippines - Lalong lumalakas ang suportang natatanggap ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. matapos mag­pahayag ng suporta ang mga pangunahing political figures mula sa Southern Tagalog at Iloilo.

Ayon kay dating Ma­yor’s League president at Justice Secretary Agnes Devanadera, na tatak­bong kongresista sa 1st district ng Quezon province, si Gibo ang nangu­ngunang presidential candidate choice ng mga ‘matatalino’ at ‘nag-iisip’ na Filipino dahil sa kwa­lipikasyon nitong maging susunod na pangulo ng bansa.

Sinabi ni Devanadera, ang mga resulta ng surveys at mock polls sa mga paaralan at social networking website ay nagpapatunay lamang na si Gibo ang nangungu­nang choice ng mga estud­yante kabilang ang mock polls sa University of the Philippines (UP) at professionals.

Sa Iloilo, nangako na­man si dating Justice Secretary at dating Presidential Chief Legal Counsel Raul Gonzalez ng 300,000 boto kay Teodoro para sa Iloilo upang masi­guro ang panalo ng administration presidential bet sa darating na presidential polls.

Wika pa ni Gonzalez, tanging si Teodoro la­mang sa hanay ng mga kandidato ang mayroong sapat na talino at liderato para pamunuan ang ban­sa sa darating na 2010 elections. (Rudy Andal/Joy Cantos)

Show comments