2 bangkay naiahon sa M/V Catalyn B

MANILA, Philippines - Lima na ang kumpirma­ dong patay at 22 na lamang ang hahanapin ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos makapag-retrieve pa kahapon ng bangkay ng lalaki at babae mula sa nakalubog na M/V Catalyn B, sa lalim na 221 feet, sa Limbones Island sa Cavite.

Sinabi ni Lt. Comman­der Armand Balilo, taga­pagsalita ng PCG, ang bangkay ng lalaki ay tina­tayang nasa 30 taong gulang habang ang babae ay nasa 20 ang edad, na naiahon ni Capt. Matt Cald­well ng Philippine Coast Guard Auxiliary.

Una nang kinilala ang mga bangkay nina Beverly Cabinillo, 36; Relly Morales, 71; at Welmar Tanayan, 27, habang ang dalawa ay hindi pa nakikilala.

Nasa 46 ang bilang ng survivors ng M/V Catalyn B na lumubog noong mada­ling-araw ng Disyembre 24 matapos makabanggaan ang F/V Anatalia. (Ludy Bermudo)

Show comments