^

Bansa

Mayon evacuees pinauwi na

- Joy Cantos, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinayagan na kaha­pon ng mga opisyal ng pamahalaan na maka­balik sa kanilang mga tahanan ang libu-libong mga residente ng Albay na inilikas dahilan sa bantang pagsabog ng Mayon volcano.

Ito’y matapos na iba­ba na ng Phivolcs sa alert level 3 ang sitwas­yon sa Mayon na bahag­yang kumalma na ang pag-aalburuto at nabawa­san na ang volcanic activity nito sa pagbubuga ng lava at ashfall.

Sa ilalim ng alert level 3, nawala na ang kinata­takutang malakas na pag­sabog ng bulkan baga­man nasa ‘high relatively unrest‘ pa rin ito na patu­loy na minomonitor ng mga kinauukulang ahen­sya at opisyal ng gob­yerno.

Ayon kay Task Force Mayon spokesman Captain Razaleigh Bansa­wan, gumamit na sila ng military trucks upang maihatid ang mga inilikas na residente.

Una nang itinaas ng Phivolcs sa alert level 4 ang Mayon kung saan nasa mahigit 9,000 pa­milya o mahigit 47,000 residente na naninirahan sa palibot ng bulkan ang inilikas.

Sinabi ni Bansawan na pinayagan na ng lokal na pamahalaan alinsunod sa kautusan ni Albay Gover­nor Joey Salceda na makauwi sa kanilang mga tahanan ang may 7,218 pamilya o kabu­uang 34,482 katao na nanini­rahan sa nasasaku­pan ng 7-8 kilometer radius danger zone.

Gayunman, hindi pa maaring bumalik sa ka­nilang mga tahanan ang mga naninirahan sa nasa­sakupan ng 6 kilometer radius Permanent Danger Zones (PDZ).

“The no human activity within 6 kilometer radius PDZ is still in place, yung dun sa area ng 7-8 Expanded zones ang pi­napayagang makaba­lik,” paglilinaw ni Bansawan.

Kaugnay nito, ayon pa sa opisyal ay patuloy ang kanilang checkpoints upang bantayan ang mga residente na magtatang­kang pumasok sa 6 km radius PDZ.

Samantalang aabot sa 200 tropa ng pamaha­laan ang tumutulong sa mga residente gamit ang 15 military trucks at sampu pang mga bagong military vehicles galing Korea upang maihatid sa kanilang mga bahay ang mga residente.

ALBAY GOVER

BANSAWAN

CAPTAIN RAZALEIGH BANSA

JOEY SALCEDA

MAYON

PERMANENT DANGER ZONES

PHIVOLCS

SHY

TASK FORCE MAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with