^

Bansa

Emergency class sa Albay inutos

-

MANILA, Philippines - Itutuloy pa rin ng Department of Education ang pagbibigay ng edu­kasyon sa mga mag-aaral sa Albay na nasa danger zone matapos na ipag-utos ang pagsasagawa ng “emergency classes” sa apat na paaralan na ginagamit na “evacuation centers.”

Inutos ng DepEd sa mga namamahala sa Al­bay District, Albay Central School, Buyuan Elementary School, at Matanag Elementary School ang pagsasagawa ng klase sa mga mag-aaral mula tang­hali hanggang alas-6:00 ng hapon.

Ibabalik naman sa normal na kalakaran ang klase ng mga mag-aaral sa oras na ihayag na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na normal na ang sit­wasyon at ipag-utos ang pagbalik ng mga evacuees sa kani-kanilang mga tahanan.

Habang nagsasa­ga­wa ng klase, mananatili ang mga evacuees sa mga tent sa labas habang magka­klase naman ang mga mag-aaral sa loob ng mga silid-aralan. (Danilo Garcia)

ALBAY

ALBAY CENTRAL SCHOOL

BUYUAN ELEMENTARY SCHOOL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

HABANG

MATANAG ELEMENTARY SCHOOL

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with