MANILA, Philippines - Inindorso ng Northern Alliance ang tatlong senato riables para sa nalalapit na 2010 national elections.
Kabilang sa inindorso ng nasabing grupo sa pangunguna ng chairman nito na si Ilocos Cong. Eric Singson ay sina Senate Pres. Juan Ponce Enrile, former Justice Secretary Bebot Bello at Cong. Bongbong Marcos.
Ang Northern Alliance ay binubuo ng mga kongresista, kababaihan na mula sa regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) na kung saan isinasantabi ang anumang political party affiliation.
Sa tatlong rehiyon pa lamang umaabot na sa 5.2 milyon ang voting population nito.
Naniniwala ang grupo na sina Enrile, Bello at Marcos, hindi lamang sa northern Luzon tunay na maipagmamalaki kundi sa buong bansa dahilan sa taglay nilang kwalipikasyon at accomplishment
Si Bello na kabilang sa Free Legal Assistance Group (FLAG) lawyer ay nagbibigay ng libreng legal services para sa mga biktima ng injustice at human rights violation.
Si Bello din ay naging miyembro ng GRP na nakipagnegosasyon at lumagda sa kauna-unahang peace agreement sa CPP/NPA/NDF at isinaayos ang pagpapalaya ng mga sundalo na binihag ng NPA
Si Bello ay mula sa Isabela, Ilocos at Davao. (Butch Quejada)