Usok ng paputok may dalang sakit

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology Center ng Department of Health, na manatiling nakasara ang mga bintana sa pagsalu­bong ng Bagong Taon, kahit taliwas ito sa pamahiin o paniniwa­lang buksan ang lahat ng pintuan at bintana upang makapa­sok ang swerte.

Ayon kay Tayag, sa halip na swerte, posib­leng malasin pa dahil ang mga usok na nag­mula sa fireworks at firecrackers ay maaring mag­dala ng sakit parti­kular sa respiratory systems na tulad din sa ash fall na ibinubuga ng bul­kang sumasabog.

Maliban pa sa nasa­bing sakit, maaring hindi umano mapansin ng may-ari ng bahay kung may nakapasok na baga ng paputok o lumilipad na kwitis ang bintana na maaring pagmulan ng sunog na aabo sa ari-arian at buhay.

Sa dati nang may sakit na hika at iba pang respiratory illness, mas ma­giging malala kung ma­kakasinghot pa ng mga usok mula sa pa­putok.

Ipinayo din ni Tayag na maghanda na ng mga ka­u­kulang gamot at masks tu­lad ng may asth­ma.

Hindi umano ma­aring dumepende sa ionizer machines ang nasabing usok na may dalang particles galing sa paputok.

Huwag ding kalimu­tan na lason ang pul­bura ng paputok kaya ugaliin ang paghuhu­gas ng ka­may bago kumain, lalo na sa mga bata dahil hindi umano kontrolado ng gob­yerno ang mga manufacturer ng papu­tok na gumagamit ng mas matapang na kemi­kal, lalo na ang impor­ted. (Ludy Bermudo)

Show comments