^

Bansa

1 ash explosion lang naitala sa Mayon

-

MANILA, Philippines - Nagtala lamang ng isang insidente ng ash explosions sa Mayon sa nakalipas na magdamag, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, kahapon ng alas-7 ng uma­ga ang ash explosion ay umabot sa 100 metro mula sa bunganga ng bulkan.

Gayunman, nanatili pa rin sa alert level 4 ang bul­kan at patuloy na ipi­nag­babawal ang pagpasok ng sinuman sa paligid nito.

Ito ay sa kabila ng pa­giging maaliwalas na pi­gura ng Mayon kung saan walang anumang bakas na makikita na ito ay nagba­badyang sumabog.

Tulad ng dati, nanatili ang pagdaloy ng lava sa Bonga-Buyuan, Miisi at Lidong kung saan may haba itong 5.9 mula sa bunganga ng bulkan.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng 16 volcanic earthquakes, magkaka­sunod na matinding rumbling sounds at kabuuang 150 paggulong ng mga bato dulot na rin ng mga nababakbak na bahagi ng Mayon.

Tumaas naman ang ibinubugang sulfur dioxide emission na may average value na 4,397 tonelada kada araw.

Nauna nang sinabi ni Renato Solidum Jr. ng Philvocs, na ang pananahi­mik ng bulkan ay may ka­akibat ng matinding pag­sabog sa susunod na mga araw kung kaya nagpayo ito sa mga residente na huwag maging kampante.

Bukod dito, pinalalagay din ng pamunuan na po­sibleng ang pagsabog ay maganap sa pagsapit ng Bagong Taon kasabay ng selebrasyon nito.

Samantala, may 10,000 pamilya ang nanatiling nasa 30 evacuation centers sa Albay, at inaasahang dito na rin magdiriwang ng Bagong Taon. (Ricky Tulipat)

ALBAY

BAGONG TAON

BONGA-BUYUAN

BUKOD

MAYON

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

RENATO SOLIDUM JR.

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with