^

Bansa

Di pa man sumasapit ang pagsalubong sa 2010. Naputukan, 166 na

-

MANILA, Philippines - Simula lamang Disyem­ bre 21 hanggang Dis. 29 ay lumobo na sa 166 ang bilang ng naitalang firecracker-related injuries ng Department of Health (DOH), na kung ikukum­para sa kaparehong pana­hon noong nakalipas na taon, mas mataas ito ng 9 na porsyento.

Dahil dito, umapela na ang DOH sa mga magu­lang na huwag pabayaan ang ka­nilang mga anak at umi­was na sa paputok lalo’t mas marami sa kaso ng na­su­gatan ay mga kaba­taang may 10 taon pababa o hindi naman gumamit ng papu­tok o nanonood la­mang sa mga nagpapa­putok.

Sinabi ni Dr. Yolanda Oliveros, head ng National Center for Disease Prevention and Control (NCDPC) ng DOH, hindi dapat pa­ yagan ang mga bata na lumabas ng bahay lalo na kung may mga nag­papa­putok at hindi rin dapat na bigyan ng pera o ha­yaang makabili nito sa mga tin­dahan.

Sa 166 na bilang ng sugatan, 40 porsyento ang nasa 10 taon pababa at mahigit na kalahati ay nabiktima ng piccolo.

Nais ng DOH na mag­tagumpay ang kam­pan­ya na bumaba ng ma­higit sa 50 porsyento ang kaso ng mga nabibiktima ng firecrackers subalit hindi uma­no mapigilan ang mga Pi­noy sa pagsunod sa tradis­yon na may kaakibat na ka­pa­bayaan ng mga matatan­da. (Ludy Bermudo)

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

DISEASE PREVENTION AND CONTROL

DISYEM

DR. YOLANDA OLIVEROS

LUDY BERMUDO

NATIONAL CENTER

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with