Eroplano pinaiiwas sa Mayon
MANILA, Philippines - Umiwas muna ang mga pilotong lumipad malapit sa Mayon Volcano dahil sa patuloy na ash exlosions na magiging mapanganib sa kanilang sasakyang panghimpapawid.
Ito ang babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon bunga na rin ng patuloy na pagbuga ng abo ng bulkan dulot ng mga pagsabog.
Sa loob ng 24 oras, siyam na ash explosions ang naitala ng Phivolcs mula sa bulkan na bumuga ng halos dalawang kilometro ang taas mula sa bunganga nito.
Ayon sa pamunuan, ang aktibidad ng Mayon ay nanatiling mataas matapos na magtala ng 38 volcanic earthquakes at 171 rock fall events.
Ang paggulong ng tipak na bato mula dito ay magi ging mapanganib kasabay ng paglabas ng sulfur dioxide na umaaverage ng 3,416 tons kada araw.
Ang nagbabagang lava ay patuloy na bumabagsak sa Bonga-Buyuan, Miisi at Lidong.
Sa kasalukuyan, ang lava front sa Buyuan channel ay may 5.8 kilometers pababa ng summit crater dahilan para mapanatiling nasa alert level 4 ang sitwasyon nito, ayon pa sa Phivolcs.
Suspetsa ng Philvocs maaring bumuga pa ng mas malakas na lava ang bulkan dahil patuloy na namamaga ito. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending