41,858 kriminal nalipol
MANILA, Philippines - Umaabot sa 41,858 mga wanted na kriminal ang nalipol ng Philippine National Police sa serye ng operasyon sa buong bansa ngayong taong 2009, ayon sa ulat ng opisyal kahapon.
Sinabi ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa na, sa kabuubang 41,858 na-neutralisa na mga kriminal na tinutugis ng batas, 25 dito ay napaslang na mga wanted habang ang 350 naman ay nagsisuko sa batas. Ang mga ito ay sangkot sa samutsaring uri ng kriminalidad.
Kabilang naman sa mga nasakoteng 57 most wanted ay pawang may inilaang pabuya ang gobyerno kapalit ng kanilang pagkakaaresto.
Sa mga most wanted ay kabilang dito ang underground movement ng New People’s Army, ektremistang teroristang organisasyon at iba pang mga organisadong grupong kriminal.
Tinukoy sa ulat sina Central Luzon NPA leader Delfin Pimentel, may reward na P2.6 milyon; Dino Amor Pareja alyas Khalil Pareja ng Rajah Solaiman Movement, may reward na P 500,000.00; at Jason Saligan alyas Commander Aguilar, may reward na P5,000.000. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending