MANILA, Philippines - Masusing sisiyasatin ng Philippine National Police ang panloloob sa mismong opisina ng mga mamahayag na nakabase dito kamakailan.
Ito ang sinabi ni Chief Supt. Leonardo A. Espina, hepe ng PNP public information office at PNP spokesman bilang tugon sa nakawan sa tanggapan ng PNP press corps sa Camp Crame sa Quezon City.
Ayon kay Espina, inieksamin na ng mga forensic experts ng PNP crime laboratory ang mga nakuhang bakas o latent prints na nakuha sa press office upang asistehan ang mga imbestigador mula sa Criminal Investigation and Detection group.
Nitong Sabado, natuklasan ng utility man ng press office ang nasabing pagnanakaw. Natangay mula dito ang isang 12 inch TV set at stereo system. Ang nasabing gamit ay tinanggal ng suspek mula sa wall mounted rack. (Ricky Tulipat)