^

Bansa

Nakawan sa PNP press corp binusisi

-

MANILA, Philippines - Masusing sisiyasatin ng Philippine National Police ang panloloob sa mis­mong opisina ng mga mamahayag na nakabase dito kamakailan.

Ito ang sinabi ni Chief Supt. Leonardo A. Espina, hepe ng PNP public information office at PNP spokesman bilang tugon sa nakawan sa tanggapan ng PNP press corps sa Camp Crame sa Quezon City.

Ayon kay Espina, ini­eksamin na ng mga forensic experts ng PNP crime laboratory ang mga naku­hang bakas o latent prints na nakuha sa press office upang asistehan ang mga imbestigador mula sa Cri­minal Investigation and Detection group.

Nitong Sabado, natuk­lasan ng utility man ng press office ang nasabing pagnanakaw. Natangay mula dito ang isang 12 inch TV set at stereo system. Ang nasabing gamit ay tinanggal ng suspek mula sa wall mounted rack. (Ricky Tulipat)

AYON

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

ESPINA

INVESTIGATION AND DETECTION

LEONARDO A

NITONG SABADO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with