MANILA, Philippines - Inutos kahapon ng Malacañang sa Philippine Drug Enforcement Agency na mas palakasin pa ang kampanya sa bawal na gamot upang masiguradong hindi magagamit ang drug money sa darating na eleksiyon.
Ang kautusan ay ipinalabas ng Palasyo matapos makumpiska ang daang milyong halaga ng shabu at cocaine sa Eastern Samar na pinaniniwalaang may kaugnayan sa eleksyon.
Ayon kay Cabinet Sec. Silvestre Bello III, na dapat mag-doble-kayod ang PDEA upang hindi mangyari ang pa ngamba ng mga mamamayan na maapektuhan ng droga ang resulta ng 2010 elections. (Malou Escudero)