Mga barbero, cosmetologists, manikurista pakukuhanin na rin ng lisensiya
MANILA, Philippines - Katulad ng mga driver ng jeep at iba pang propesyon na kinakailangang may lisensiya bago makapag-trabaho, nais ni Senator Miriam Defensor-Santiago na i-regulate ang mga barber shops at beauty parlors at pakunin din ng lisensiya ang mga cosmetologists, barbero, manikurista, electrologists, at mga aestheticians.
Sa Senate Bill 3557, na may titulong “An Act Regulating Barbering and Cosmetology”, sinabi ni Santiago na mahalagang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan na nagtutungo sa mga barber shop at mga beauty parlor.
Nais ni Santiago na magkaroon ng isang board na magre-regulate sa mga barber shops at mga beauty parlor sa bansa.
May kahalintulad na rin aniyang board sa ilang states sa Amerika katulad ng California, Minnesota, New Hampshire, Virginia at Montana kung saan kinakailangang may lisensiya ang mga barbero, manikurista at iba pag nagtatrabaho sa parlor.
Ang nasabing board ang humahawak ng mga reklamo ng mga customers katulad ng mga nagpapabahay sa kaniyang trabaho, hindi maayos na kondisyon ng shop at iba pang problema.
Sinabi ni Santiago na napakaraming reklamo ang napapaulat na may kaug nayan sa pagpapaganda dahil hindi naman lisensiyado ang mga taong nasa barber shop at beauty parlors. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending