27 nawawala:Barko vs bangka!

MANILA, Philippines - Trahedya ang pagsa­ lubong sa bisperas ng ka­paskuhan ng 74 katao ka­bilang ang 59 pasahero makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang pampasaherong bangka at kasalubong nitong fishing vessel sa karagatang sakop ng Cavite kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman, Lt. Commander Ar­ mand Balilo, dakong 2:25 ng madaling araw nang mag­salpukan ang MV Catalyn B, isang wooden hull motorized vessel na pagmamay-ari ng San Nicolas Lines, at ang fishing vessel na FV Na­ thalia, may 2.8 nautical miles northwest ng Lim­bones Island sa Cavite, na nasa bungad lamang ng Manila Bay.

Sinabi ni Balilo na ang MV Catalyn B ay may lulang 14 na tripulante at 59 na pasahero, na magba­bakasyon sa kanilang mga lalawigan ngayong Pasko, nang umalis sa Pier 2 ng North Harbor, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.

Patungo sana umano ang MV Catalyn B sa Tilik, Lubang Island, Mindoro, nang lumubog matapos na makabanggaan sa kara­gatan ang FV Nathalia, na nangisda naman sa Pala­wan at pabalik na sana ng Navotas.

Kaagad namang nag­padala ang PCG ng tatlong rescue boats sa Cavite upang magsagawa ng search and rescue operations.

Sinasabing mas gra­beng naapektuhan ng salpukan ang MV Catalyn B, kaya’t lumubog ito, at ang mga mangingisdang sakay ng FV Nathalia ay kasama pa sa mga unang sumagip sa mga pasahero at tripulante ng passenger vessel.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa 46 katao na ang nasagip ng search and rescue teams kabilang ang 32 crew at 14 na pasahero, habang 27 iba pa ang nawawala.

Nabatid na nagpalabas na rin si PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo ng notice sa mga mariner sa area upang makatulong sa paghahanap sa mga nawawalang biktima ng trahedya.

Sinabi ni Balilo na hindi pa malinaw ang dahilan ng banggaan, lalo na’t hindi naman masama ang pana­hon, batay na rin sa wea­ther bulletin na ipinalabas ng PAGASA kahapon ng alas-5 ng madaling araw.

Show comments