Pekeng PASG agent timbog sa kotong
MANILA, Philippines - Isang pekeng ahente ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang naaresto ng mga awtoridad na nangongotong sa mga importer.
Ayon kay PASG director for administration and finance Jeffrey Patawaran, ang naaresto na pekeng ahente ng PASG ay si Jaime Capuno na empleyado pala ng Bureau of Customs.
Sinabi ni Director Patawaran, ang katulad ni Capuno ang sumisira sa magandang imahe ng PASG. Nagpanggap itong ahente ng PASG statistics and information service.
Naaresto si Capuno, 60 anyos ng San Nicolas, Batangas ng mga awtoridad sa Greenhills, San Juan.
Kakasuhan ng usurpation of authority at falsification of public document si Capuno, ayon kay Patawaran. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending