Nag-iisang kalaban ni SB umatras na!

MANILA, Philippines - Umatras na ang nag-iisang kalaban ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte sa congressional election sa ikaapat na distrito ng lungsod.    

Si dating QC Councilor Jopet Sison na kasaluku­yang presidente ng National Home Mortgage and Finance Corporation ay umatras sa kanyang kandidatura dahil wala umano silang sapat na pondo at nais na lamang tulungan ang pagkandidato ng kapatid niyang si Joel Sison na tumatakbo bilang konsehal sa lungsod.    

Magbabalik si Belmonte sa Kongreso makaraang matapos niya ang kanyang tatlong termino bilang alkalde. (Angie dela Cruz)

Show comments