^

Bansa

Biktima ng masaker 62 na

-

MANILA, Philippines - Posibleng umabot pa sa 62 katao ang kabuuang biktima ng malagim na massacre noong Nob­ yem­bre 23 sa Ampatuan, Ma­guindanao.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Maguindanao Police Provincial Office Officer in Charge Sr. Supt. Alex Linesses matapos na lumantad kahapon at mag-hysteria sa massacre site si Vivian Mi­guellas, Bureau Chief ng Midland Tribune News na nakabase sa Cotabato City.

Si Miguellas ay dumu­log sa pulisya at nagpa­sama nitong Lunes sa massacre site na kinatag­puan sa 57 biktima kabi­lang ang 32 mediamen sa Brgy. Salman, Ampatuan.

Hinahanap ni Miguel­las ang kaibigang si Reynaldo “Bebong “Mu­may, correspondent ng Midland Tribune News at kasama nitong si Juvy Legalta na kabilang uma­no sa magko-cover sana ng pagsu­su­mite ng COC ng pamilya Mangudadatu nang mang­yari ang tra­hedya .

Sina Mumay at Legalta ay hindi kabilang sa 57 kataong narekober sa crime scene na positibo ng kinilala ng kanilang mga pamilya.

Sa pahayag ni Mi­guellas sa mga awtoridad nakatawag pa umano si Mumay sa kaniya kung saan sinabi nito na medyo nahuli sila ng konti sa convoy ng mga Mangudadatu dahil nasiraan sila ng behikulo.

Ang tatlo pang nawa­walang biktima na hina­ ha­nap rin ng kanilang mga pamilya ay mga sibilyan.

Bunga nito, ayon kay Linesses, ikinokonsidera nilang maghukay muli sa massacre site upang ha­napin ang lima pang nawawalang mga biktima. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALEX LINESSES

AMPATUAN

BUREAU CHIEF

CHARGE SR. SUPT

COTABATO CITY

JOY CANTOS

JUVY LEGALTA

MAGUINDANAO POLICE PROVINCIAL OFFICE OFFICER

MIDLAND TRIBUNE NEWS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with