^

Bansa

5 Ampatuan swak sa Bicutan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Magsasama-sama ang limang magkakaanak na Ampatuan na panguna­hing suspek sa Maguin­danao massacre sa san­daling ilipat ang apat pa sa kanila dito sa Metro Manila para humarap sa paglilitis.

Kabilang sa mga pina­planong ilipat ng kulungan sa Metro Manila sina Ma­guindanao Governor Andal Ampatuan Sr. na kasalu­kuyang nakapiit sa detention cell ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang tatlong iba pa na nakakulong naman sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Fermin Lira sa General Santos City ay sina Autonomous Region for Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan, Maguin­danao Vice Governor Sajid Akhmad Ampatuan at Anwar Ampatuan, Mayor ng Shariff Aguak, Maguin­danao.

Ang isa pa na si Datu Unsay Mayor Andal Ampa­tuan Jr. ay nasa kustodya naman ng National Bureau of Investigation sa Maynila matapos itong sumuko noong Nobyembre 26 o ilang araw matapos ang karumal-dumal na massacre.

Ang mga Ampatuan ang sinasabing utak sa pagharang noong Nob­yem­bre 23 sa Saniag, Ampatuan, Maguindanao sa convoy nina Genalyn Mangudadatu, kasama ang 32 mediamen habang patungo sana sa Shariff Aguak upang magsumite ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections para sa pagtakbo ng mister nitong si Buluan Vice Mayor Esmael ‘Toto” Mangudadatu sa pagka-gobernador ng lalawigan.

Si Mangudadatu ay kalaban ng isa sa mga Ampatuan sa pagsabak sa gubernatorial race sa lalawigan na siyang sina­sabing motibo ng karumal­dumal na massacre.

Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Jesus Ver­zosa, hinihintay lamang nila ang commitment order mula sa korte upang ilipat ng detention cell sa Bicu­tan ang mga isinasangkot sa Maguindanao Massacre.

Nabatid naman kay General Santos City Vice Mayor Florentina Congson na ang pananatili ng apat na miyembro ng pamilya Ampatuan sa kanilang lungsod ay nagdudulot ng takot sa mga residente.

AMPATUAN

ANWAR AMPATUAN

AUTONOMOUS REGION

BULUAN VICE MAYOR ESMAEL

CAMP FERMIN LIRA

CERTIFICATE OF CANDIDACY

MAGUIN

METRO MANILA

SHARIFF AGUAK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with