First Family nasa HK

MANILA, Philippines - Nagbakasyon muna si Pangulong Arroyo sa Hongkong upang tuparin ang kanyang pangako sa kanyang mga apo.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, ma­nanatili sa HK si Mrs. Arroyo kasama ang kan­yang pamilya at mga apo hanggang sa Disyembre 23.

Ayon kay Sec. Re­monde, kahit nasa bakas­yon ang Pangulo ay patu­loy pa rin ang monitoring nito partikular sa pang­yayari sa Mayon volcano.

Inatasan na ni PGMA si Defense Sec. Norberto Gonzales at DSWD Sec. Esperanza Cabral na makipag-koordinasyon kay Albay Gov. Joey Sal­ceda upang masiguro na maihahatid ang lahat ng pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Iniutos ng Pangulo na dapat ay ‘zero casualty’ kaya dapat ipatupad ang forced evacuation sa mga itinuturing na danger zone na malapit sa bulkan. (Rudy Andal)

Show comments