MANILA, Philippines - Matapos ang imbesti gasyon, una namang lumabas si Ampatuan habang naiwan si Buluan Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu sa loob ng DOJ.
Tila kinukutya naman ni Mangudadatu ang itsura ni Ampatuan na puno ng posas sa kamay at paa.
“Para kang aso, kaya lang mas okey pa ang K-9 ko, mas maganda ang kadena,” ani Mangudadatu.
Nagkatitigan at nginisi han pa ni Ampatuan Jr. si Mangudadatu at nang makarating sa labas ng DOJ building, napapangiwi si Ampatuan matapos na muling kinuyog ng media habang pasakay ito ng kanyang bullet proof na sasakyan na maghahatid sa kanya pabalik sa kanyang kulungan sa National Bureau of Investigation.
Gigil na gigil pa rin si Mangudadatu kay Ampatuan Jr., bagama’t iniwasan nito na magkaroon ng tensiyon.
“Alam ninyo tama lang ang ginawa ng mga tao na gusto siyang sampalin, batukan (Ampatuan jr.), siya naman po ang gumawa ng krimen,” ayon kay Mangudadatu.
Bagama’t pangiti-ngiti pa at parang walang nangyari si Ampatuan Jr., sinabi ni Mangudadatu na hindi nakikita sa mukha nito ang kanyang tunay na nararamdaman kundi nakatago ito sa kanyang puso.